Kaso ng COVID-19 sa Indonesia triple ang itinaas
Triple ang itinaas ng kaso ng COVID-19 sa Indonesia.
Siyamnapung porsyento ng mga kaso na naitala sa nasabing bansa ay imported kaya umapela ang pamahalaan ng Indonesia sa kanilang mga mamamayan na ipagpaliban mula ang overseas leisure trips.
Noong Sabado, nakapagtala ng 414 na mga kaso ng COVID-19 na higit na mataas kumpara sa 136 cases lamang noong katapusan ng Disyembre.
Ayon sa Health Ministry office ng nasabing bansa, ang mga tinamaang mamamayan nila ay pawang fully-vaccinated na.
Marami din sa kanila ang nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19 na pawang kagagaling lamang sa biyahe mula Turkey, UAE at Saudi Arabia.
Inaasahang sa katapusan ng buwan ng Enero ay lalo pang tataas ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa. (DDC)