Global death toll sa COVID-19 mahigit 619,000 na

Global death toll sa COVID-19 mahigit 619,000 na

Sumampa na sa mahigit 619,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 619,467 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 144,953.

Sumampa naman na sa mahigit 81,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 81,597
UK – 45,422
Mexico – 40,400
Italy – 35,073
France – 30,177
India – 28,770
Spain – 28,424
Iran – 14,405
Peru – 13,579

Sumampa naman na sa mahigit 9.1 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 5.3 million pa ang aktibong kaso.

Dona Dominguez-Cargullo

Excerpt: Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 619,467 na.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *