Pagrebyu sa oras ng pagresponde ng pulis inutos ng NCRPO chief

Pagrebyu sa oras ng pagresponde ng pulis inutos ng NCRPO chief

Inutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher N. Abrahano ang komprehensibong pagrerebyu o pag-aaral muli sa police response times sa buong Metro Manila, na direktang nag-aatas sa lahat ng police districts at stations upang suriin kung gaabo kabilis sa pagresponde ng mga yunit sa distress calls at tukuyin ang operasyunal na puwang na maaaring mag-antala sa pag-asiste sa publiko.

Ang rebyu ay magsusuri sa kabuuang response chain—magmula sa resibo at dispatch ng emergency calls hanggang deployment at pagdating ng police units sa lugar. Magsasagawa ng assessment ang mga commander sa dispatch procedures,komunikasyon sa pagitan ng call handlers at field personnel, patrol positioning, availability ng responding units, at iba pang sanhi na maaaring makaapekto sa oras ng pagresponde.

“We cannot simply say that the police are always ready. We have to measure how quickly we respond when people call for help and determine where improvements are needed,” sabi ni PBGen. Abrahano.

Titingnan din ng NCRPO kung ang mga police patrols arly istratehikong nakaposisyon ayon sa mga erya at panahon ng mas mataas ang demand o pangangailangan upang tiyakin na ang police visibility ay napapanahon para sa mabilis na pag-asiste.

Matutukoy ng rebyu sa pamamagitan ng hindi maiiwasang mga antala na dahilan gaya ng distansiya, kalagayan ng trapiko at insidente, at mga kakulangan na maaaring tugunan sa tulong ng mas maayos na dispatch, komunikasyon, deployment o superbisyon.

“This is not about assigning blame. It is about finding where valuable minutes are lost and correcting those deficiencies,” pahayag ni PBGen. Abrahano.

Binigyang-direktiba nito ang mga commanders na gamitin ang resulta sa pagsasaayos ng deployment at response procedures at tiyakin ang pananagutan kung mauulit o maiiwasan ang operasyunal na pagkukulang.

“For someone in distress, every minute matters. Our responsibility is to make sure that when help is requested, the police response is as fast, coordinated and effective as circumstances allow,” dagdag ni BGen Abrahano.

Ang inisyatibong ito ay suporta sa tuloy-tuloy na kampanya ng NCRPO para sa mabilis at nararamdamang serbisyo ng pulisya kasama ang response performance na susuriin sa pamamagitan ng panukat ng indicators kaysa sa mga assurances o garantiya lang.

“The question is not only whether we responded. We must know how quickly we responded, where the delay occurred, and what we did to prevent it from happening again,” ani PBGen. Abrahano.

Gagamitin ng NCRPO ang mga resultang ito ng rebyu upang palakasin ang emergency response, iayos ang police visibility at deployment, at siguruhibg matutugunan ang pagkukulang sa operasyunal sa mga kaukulang command level.

Inihayag ni PBGen. Abrahano na ang pibakasukatan ng kahandaan ng pulisy ay hindi lang sa presesniya bg mga pulis sa kalye kundi ang abilidad ng organisasyon na maghatid ng ng naapapanahon, koordinado, at epektibong pag-asiste sa publiko sa panahon ng kanilang pinaka-kailangan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *