Higit ₱4-milyong shabu nakumpiska ng SPD, 8 suspek arestado sa 1-day drug ops

Nakumpiska ng Southern Police District (SPD) sa ilalim ng liderato ni District Director BGen Rodel A. Pastor, ang mahigit ₱4-milyong halaga ng hinihinalang shabh at naaresto ang walong drug personalities sa serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng otoridad sa loob ng 24-oras mula Oktubre 17-18.

Sa walong magkahkahiwalay ba operasyon sa katimugang Metro Manila, nakumpiska ng SPD operating units ang kabuuang 596.79 na gramo ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱4,058,400.00.

Ayon sa ulat, ang mga operasyong ito ay nagresulta ng pagkaaresto ng isang high-value individual (HVI) at pitong street-level individuals (SLIs).

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya at inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na ang isang araw na accomplishment ng SPD ay sumasalamin sa maigting at intelligence-driven campaign nito kontra ilegal na droga kasama na ang pagtuon ng operating units laban sa mga indibiduwal na sangkot sa illegal drug activities sa mga nasasakupang lugar ng distrito.

Sina ni BGen Pastor na resulta ito ng pagpapakita ng kahalagahan ng walang tigili na pangangalap ng intelihensiya, koordinadong operasyon ng pulisya, at tuluy-tuloy na pagpapagtupad nito laban sa ilegal. A droga.

“We will continue to strengthen our intelligence-driven operations and pursue those involved in the illegal drug trade. Our objective is clear: disrupt the distribution of illegal drugs, hold offenders accountable, and keep our communities safe,” ani BGen Pastor.

Hinikayat ng opisyal ang publiko na patuloy na magreport sa otoridad ng mga kahina-hinalang aktibidad sa ilegal na droga at binigyang-diin nito na ang napapanahong impormasyon at kooperasyon ng komunidad ay malaking ambag sa mga hakbang ng pagpapatupad ng batas ng mga tagapagpatupad nito.

Sa patnubay ng mga prinsipyo ng pagiging Trustworthy, Service-Oriented, Accessible, Professional, and Accountable (T.S.A.P.A.), nagpapatuloy ang SPD sa pagtutok sa pagsasagawa ng mga operasyong naaayon sa batas kontra ilegal na droga habang pinapalakas ang pagseserbisyo ng mga pulis ag kaligtasan ng publiko sa katimugang Metro Manila. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *