PBBM tiniyak ang ligtas at maginhawang biyahe ngayong Undas2026
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ligtas, maayos at maginhawang pagbiyahe ng mga mamamayang uuwi sa mga lalawigan ngayong #Undas2026
Ayon sa pangulo, mayroong sapat na masasakyan ang lahat ng mga bibiyahe.
Aniya, inasikaso na ng mga ahensya ng gobyerno ang pagsisigurong maayos at sapat ang mga bibiyaheng bus sa mga terminal.
Gayundin ang maayos at maginhawang biyahe sa mga Paliparan partikular sa NAIA.
Hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na na planuhin nang maaga ang kanilang pagbiyahe.
Umapela din siyang sundin ang mga patakaran na pinaiiral sa mga sementeryo para sa ligtas at payapang paggunita ng Undas. (DDC)
