Metro cops magpapatupad ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan sa mga sementeryo at mas madalas na Oplan Galugad

Metro cops magpapatupad ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan sa mga sementeryo at mas madalas na Oplan Galugad

Iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge PBGen Christopher N. Abrahano sa mga pulis sa Metro Manila na paigtingin ang pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad sa mga sementeryo.

Kasunod ito ng pagsita ng mga pulis sa ilang caretaker na nag-iinuman sa labas ng Manila North Cemetery sa dis-oras ng gabi kamakailan.

Ayon sa NCRPO, mahalagang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa paligid ng mga sementeryo upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang dumadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Dahil dito, naglabas ng direktiba si PBGen Abrahano sa mga District Director, Chief of Police at Station Commanders na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa pag-inom ng alak sa loob ng mga sementeryo at sa mga lugar na saklaw ng umiiral na mga patakaran at ordinansa.

Pinaiiwas din ang publiko sa anumang gawaing maaaring magdulot ng kaguluhan, makagambala sa mga nagdarasal at dumadalaw, o makasira sa katahimikan ng mga lugar ng libingan.

“Cemeteries are places of remembrance, prayer, and respect for our departed loved ones. We must not allow the consumption of alcoholic beverages or any activity that could cause disorder or pose a threat to public safety and security,” ani PBGen. Abrahano.

Inatasan din ng NCRPO chief ang mga district director na dalasan ang pagsasagawa ng Oplan Galugad sa mga sementeryo at mga karatig-lugar upang matukoy at mapigilan ang mga posibleng paglabag, mapanatili ang kaayusan, at maagapan ang mga insidenteng maaaring makaapekto sa kaligtasan ng publiko. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *