Alert Level 3 itinaas sa Bulkang Mayon
Muling pumutok ang Bulkang Mayon 11:53 ng umaga ngayong Biyernes, Oct. 31.
Ayon sa Phivocls, naitala ang moderately explosive eruption sa bulkan at nagpuga ito ng ash plume na umabot sa tatlong kilometro ang taas mula sa crater.
Dahil sa panibagong aktibidad, itinaas na ng Phivolcs ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon.
Ayon sa Phivlcs tumaas ang tsansa na magkaroon ng pagdaloy ng lava at pyroclastic density currents o Uson.
Maaari ding makaranas ng ash fall kasunod ng pagputok. (DDC)
