Mahigit 700 Las Piñeros nakatanggap ng libreng medical at dermatological services mula sa The Aivee Group
Mahigit 700 pasyente ang nakatanggap ng libreng medical at dermatological services sa isinagawang Aivee Beyond Borders Medical Mission sa Madrigal Covered Court, Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City.
Personal na dumalo si Mayor April Aguilar, kasama si Vice Mayor Mel Aguilar at Councilor Alelee Aguilar, upang makiisa sa programa at kumustahin ang mga residenteng nakibahagi at tumangkilik sa libreng konsultasyon at serbisyong pangkalusugan.
Pinangunahan nina Dr. Aivee Aguilar at Dr. Z Teo ng The Aivee Group ang medical mission, katuwang ang mga lokal na opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod.
Dumalo rin sina Councilors Robert Cristobal at Mac Mac Santos, SK Rey Angelo Reyes, City Department Heads, at mga opisyal ng Barangay Daniel Fajardo at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
Nagdagdag rin sa kasiyahan ang presensya ng Aivee Ambassadors na sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez, gayundin ang pamamahagi ng mga raffle prize.
Isa sa mga naging tampok sa programa ang sorpresang pagdiriwang ng kaarawan ni Vice Mayor Mel Aguilar, na nagdagdag ng kasiyahan sa pagtitipon.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor April, nananatiling pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang kalusugan at kapakanan ng bawat Las Piñero. (Bhelle Gamboa)
