Bagyong Ofel lumakas pa; magiging typhoon sa
Lumakas pa ang bagyong Ofel habang nasa bahagi ng Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 950 kilometers East ng southeastern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 35 kilometers per hour sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA sa Huwebes ng tanghali o gabi posibleng mag-landfall ang bagyo sa Northern o Central Luzon.
Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo sa susunod na tatlong araw at aabot sa typhoon category. (DDC)