Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 19 kilometers southwest ng bayan ng Rizal, 12:37 ng hapon ng Lunes, Apr. 8.
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa Magsaysay, OCCIDENTAL MINDORO at Intensity I sa Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO. (DDC)