Mahigit 200 katutubo sa San Jose, Occidental Mindoro pinagkalooban ng libreng PhilHealth membership
Binigyan ng libreng membership sa PhilHealth ang mga katutubo na naninirahan sa Brgy. Monteclaro, San Jose Occidental Mindoro.
Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Ed Gadiano katuwang ng Provincial Social Welfare Development Office ang libreng Philhealth ID Card at Member Data Record para sa mga katutubo mula sa nasabing barangay.
Sila ay pawang mula sa SItio Danlog at Sitio Mantay.
Ito ay upang matiyak na mararanasan ng bawat isa ang libreng gamutan pati na rin ang libreng konsultasyon sa ilalim ng programa ng PhilHealth.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Occidental Mindoro, 230 na katutubo ang naging bagong miyembro ng PhilHealth sa isinagawang serbisyo caravan. (DDC)