LPA magpapaulan sa bahagi ng Mindanao at Visayas
Magpapaulan sa bahagi ng Mindanao at Visayas ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Surigao del Sur.
Huling namataan ang LPA sa layong 765 kilometers East Southeast ng ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Dahil sa trough ng LPA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region at Bohol.
Bahagyang maulap na papawirin ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa localized thunderstorms.
Samantala, ang Amihan ay magdudulot din ng maulap na papawirin na may pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, at Quezon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)