Libreng sakay sa Pasig River Ferry Service magpapatuloy
Nagpapatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service (PRFS) ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Tiniyak ng MMDA na ligtas, libre, mabilis na biyahe, at magagandang tanawin ang makikita habang nakasakay sa mga bangka ng PRFS.
Ayon pa sa ahensya may iba’t ibang seating capacity ang walong bangka na operational at meron din mga life vest kaya sure o siguradong safe sa biyahe ang pasahero.
Maaaring makuha ang libreng sakay mula sa 13 na istasyon kabilang ang
Pinagbuhatan, Kalawaan, San Joaquin, Maybunga, Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Quinta, Lawton, at Escolta. (Bhelle Gamboa)