Full face-to-face classes sa Agosto target ni incoming DepEd Sec. Sara Duterte

Full face-to-face classes sa Agosto target ni incoming DepEd Sec. Sara Duterte

Nais ni Vice president-elect at incoming Department of Education (DepEd) Sec. sara Duterte na makapagpatupad na ng full face-to-face classes sa buwan ng Agosto.

Sinabi ito ni Duterte-Carpio sa idinaos na press briefing sa Davao City.

Aniya, nagkaroon na sila ng palitan ng written communications ni outgoing DepEd Sec. Leonor Briones para sa transition.

Sa June 25 sinabi ni Duterte-Carpio na magkakaroon sila ng face-to-face meeting ni Briones.

Noong buwan ng Mayo sinabi ni Briones na 73 percent ng public schools sa bansa ang nagpapatupad na ng face-to-face classes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *