Paglaban sa ilegal na kalakalan ng petrolyo pinaigting ng NCRPO

Paglaban sa ilegal na kalakalan ng petrolyo pinaigting ng NCRPO

Pinaiigting ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kampanya laban sa ilegal na kalakalan ng produktong petrolyo.

Inatasan ni NCRPO Officer-in-Charge PBGen. Christopher N. Abrahano ang mga yunit ng pulisya sa buong Metro Manila na tugisin ang mga walang pahintulot na nagbebenta ng gasolina at iba pang produktong petrolyo para sa ilegal na pagkakakitaan.

Iginiit ng opisyal na hindi niya kukunsintihin ang ganitong mga gawain habang nagsisikap ang pamahalaan na matiyak ang sapat na suplay ng langis para sa mamamayang Pilipino.

Kasunod ito ng pagkaaresto sa apat na indibidwal sa Payatas, Quezon City, dahil sa umano’y ilegal na kalakalan ng produktong petrolyo.

Ipinag-utos ni PBGen. Abrahano sa mga yunit ng intelligence at mga hepe ng himpilan ng pulisya na paigtingin ang pagsubaybay, beripikahin ang mga ulat tungkol sa walang pahintulot na pag-iimbak at pamamahagi ng produktong petrolyo, at makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak ang maagap at naaayon sa batas na pagkilos laban sa mga lumalabag.

“While the government is working to ensure a sufficient and stable fuel supply for our country, we will not allow illegal traders to take advantage of the situation for their own gain. Our duty is to help protect the public, preserve order in fuel distribution, and ensure that those who violate the law are held accountable. We will remain vigilant against activities that threaten the safety and welfare of our communities,” ani PBGen. Abrahano.

Sinabi pa ng NCRPO Chief na makaapekto sa ekonomiya ng bansa ang ilegal na kalakalan ng langis bukod pa sa maaaring malagay sa panganib ang mga mamimili dahil sa mga produktong petrolyong may halong ibang sangkap, mapanlinlang na pagpi-presyo, at hindi wastong pag-iimbak ng langis na maaaring magdulot ng sunog at pagsabog.

Hinimok din nito ang mga motorista na bumili lamang ng produktong petrolyo mula sa mga awtorisadong gasolinahan.

Nagbabala din siya laban sa mga kahina-hinalang murang alok ng gasolina at mga transaksiyon sa mga nagbebentang hindi beripikado.

Hinikayat ni PBGen Abrahano ang publiko na iulat sa awtoridad ang mga pinaghihinalaang ilegal na pag-iimbak, pamamahagi, o pagbebenta ng produktong petrolyo.

“The public can help protect our communities by buying fuel only from legitimate sources and reporting suspicious activities. We will sustain our monitoring and enforcement efforts to stop illegal trading and prevent unscrupulous individuals from profiting at the expense of public safety and welfare,” dagdag niya. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *