Baril, bala, at droga nakumpiska sa 5 suspek sa San Mateo, Rizal

Baril, bala, at droga nakumpiska sa 5 suspek sa San Mateo, Rizal

Arestado ang limang suspek matapos mahulihan ng illegal na droga, bala at baril sa isang operasyon sa San Mateo, Rizal.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A

Nagresulta ito sa pagkakadakip ng 5 lalaki na nakuhanan ng humigit kumulang 25 grams ng shabu na may kabuuang halaga na aabot sa P170,000.

May nakuha ring isang baril at mga bala mula sa mga suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Alyas, Iding, 36 years old, Alyas Michael, 41 years old, Alyas Dennis, 38 years old, Alyas Mac Mac, 35 years old at Alyas Onik, 28 years old.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *