Mga labi ng 2 OFWs na nasawi sa pagbaha sa UAE, dumating na sa bansa

Mga labi ng 2 OFWs na nasawi sa pagbaha sa UAE, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa kahapon ang labi ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa pagbaha sa United Arab Emirates (UAE) noong Abril.

Agad na sinalubong at inasikaso ng Overseas Workers Welfare Administration ang pag proseso ng pagpapabalik sa kani-kanilang probinsya ng mga labi nina Jenny Fajardo Gamboa at Marjorie Saquing Ancheta.

Si Ginang Gamboa ay tubong Pampanga samantalang tubong Cagayan Valley naman si Gng. Ancheta.

Ang dalawang OFWs na magkasama sa trabaho ay nasawi matapos umanong mag-collapse habang lulan ng kanilang company shuttle service sa gitna ng matinding pagbaha sa Sharjah noong April 17, 2024.

Kasama ng ating mga OFWs ang OWWA sa pagtugon sa lahat ng inyong pangangailangan sa anumang pagkakataon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *