Walang Pinoy na naapektuhan ng pagbaha at landslide sa Brazil at Indonesia ayon sa DMW

Walang Pinoy na naapektuhan ng pagbaha at landslide sa Brazil at Indonesia ayon sa DMW

Walang Pinoy na naapektuhan ng matinding pagbaha na naranasan sa Brazil at Indonesia.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, batay sa impormasyon na kanilang nakalap, walang Pinoy sa mga lugar na tinamaan ng pagbaha sa Brazil.

Wala ding Pinoy na naapektuhan ng pagbaha at landslide sa South Sulawesi sa Indonesia.

Sa pinakahuling datos ng mga otoridad, umabot na sa 78 ang nasawi sa pagbaha sa Rio Grande do Sul sa Brazil habang mahigit 115,000 ang inilikas.

Sa South Sulawesi sa Indonesia naman, 14 na katao ang nasawi at 115 ang inilikas dahil sa pagbaha at landslides. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *