Vaccination activity ng DOH laban sa tigdas, rubella at polio pinalawig pa

Vaccination activity ng DOH laban sa tigdas, rubella at polio pinalawig pa

Pinalawig ng Department of Health (DOH) ng vaccination activity nito sa buong bansa laban sa Measles, Rubella, at polio.

Sa inilabas na kautusan, patuloy na isasagawa ang aktibidad hanggang sa March 7 para makamit ang target population na 95%.

As of March 1, 2021, sinabi ng DOH na 83.7% o 4,269,423 na ang nabakunahan laban sa Measles at Rubella.

Habang 3,939,677 o 82.4% ng national target ang nabigyan ng oral vaccine laban sa polio.

Sa Luzon, ang Region III ang may pinakamataas na coverage para sa Measles at Rubella vaccination.

Sa National Capital Region (NCR), umabot na sa 873,532 o 85.7% who ang nabakunahan laban sa measles at rubella.

Sa Region IV-A naman 79.2% o 1,031,342 ng total coverage ang nabigyan ng bakuna.

Sa Visayas, 87.7% o 579,319 na infants at mga bata sa Region VI ang nabakunahan laban sa measles at rubella.

Sa pagpapalawig ng immunization program target ng DOH na mabakunahan ang nalalabi pang mahigit 800,000 na mga bata sa mga target na rehiyon.

Apela ni Health Sec. Francisco Duque sa mga magulang, pabakunahan ang kanilang mga anak.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *