Mahigit 1,700 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 20 pa ang pumanaw

Mahigit 1,700 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 20 pa ang pumanaw

Nakapagtala ng mahigit 1,700 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag .

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Miyerkules (March 3), umabot na sa 582,223 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 1,783 na dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 534,778 ang gumaling o katumbas ng 91.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 330 na gumaling.

35,056 naman ang active cases o katumbas ng 6 percent.

Habang nakapagtala pa ng dagdag na 20 pang pumanaw sa sakit.

12,389 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.13 percent.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *