Publiko binalaan ng Malakanyang sa isang lalaking nagpapanggap na empleyado ng OES
Nagbabala ang Malakanyang sa publiko sa isang indibidwal na nagpapanggap na may posisyon sa Office of the Executive Secretary (OES).
Sa inilabas na abiso sa publiko ni Executive Sec. Salvador Medialdea, isang “Michael Roa” ang nagpapakilala na siya ay Chief of Staff sa OES.
Ayon kay Medialdea, si “Michael Roa” ay sangkot sa mga fraudulent schemes at napaulat na nagso-solicit ng pondo mula sa mga local government units gamit ang OES.
Sinabi ni Medialdea hindi otorisado ng Office of the President at ng OES ang mga transaksyon ng nasabing lalaki.
Hindi rin kunektado si “Michael Roa” sa Malakanyang.
Kung mayroong transaksyon sa nasabing lalaki, hiniling ng OES na agad itong i-report sa 8888 Citizens’ Complaint Center para sa karampatang aksyon. (DDC)