Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Dong Puno

Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Dong Puno

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpanaw ni dating Secretary Ricardo “Dong” Puno Jr.

Ipinarating ng Malakanyang ang pakikiramay sa pamilya, kaibigan at mga kasamahan ni dating Press Secretary Puno na pumanaw kahapon, Feb. 15.

Ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles, si Puno na isa ring abogado ay respetadong miyembro ng media bago manilbihan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Nograles na dahil sa matatalino at insightful interviews ni Puno ay tumanggap siya ng mga pagkilala sa kaniyang public affairs programs. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *