Pagbabakuna sa mga nasa A4 Priority Group uumpisahan na sa Caloocan
Sisimulan na ngayong araw ang pagbabakuna sa mga nasa A4 Priority Group sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Mayor Oca Malapitan, sa ilalim ng A4 priority group ng Inter-Agency Task Force (IATF) narito ang mga maaring magpabakuna:
✔️ MGA MANGGAGAWA SA PRIBADONG SEKTOR na kinakailangang pisikal na naroroon sa kanilang itinalagang pinagtatrabahuhan.
✔️ MGA KAWANI NG AHENSYA NG GOBYERNO, kabilang din ang mga government-owned and controlled corporation (GOCC) at local government unit (LGU).
✔️ MGA INFORMAL SECTOR, PRIVATE HOUSEHOLDS, AT MGA SELF-EMPLOYED WORKERS na maaaring nagtatrabaho o kinakailangang lumabas ng kanilang tinitirhan.
Kinakailangang dalhin ang mga sumusunod para sa mga magpapabakuna:
1. Valid ID (Company ID kung mayroon)
2. Sariling ballpen
3. Facemask at face shield
Bukas pa rin naman ang vaccination sites para sa mga nasa A1, A2, at A3.
Para sa profiling/pre-registration, maaaring makipag-ugnayan sa barangay health center o bisitahin ang link na: http://bit.ly/profilingcalv2