Operasyon ng tricycle papayagan sa Muntinlupa City sa ilalim ng pag-iral ng MECQ

Operasyon ng tricycle papayagan sa Muntinlupa City sa ilalim ng pag-iral ng MECQ

Papayagan ng Muntinlupa City Government ang pagbiyahe ng tricycle sa lungsod habang umiiral ang modified enhanced community quarantine.

Sa inilabas na abiso simula Agosto 4 hanggang 18, 2020, papayagan ang operasyon ng tricycle sa Muntinlupa upang matulungan ang mga frontliners at mga APOR (Authorized Persons Outside of Residence) sa kanilang pagbiyahe.

Kailangang mahigpit na sundin ang health protocols sa pagbiyahe ng mga tricycle.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng isang pasahero lamang kada biyahe at P25 ang singil.

Ag gma APOR lamang at mga mayroong quarantine pass ang pwedeng sumakay.

Kailangang may temperature checking sa terminal, may hand sanitizers sa tricycle at may gagawing disinfection. (END)

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *