OIC sa Office of the Court Administrator itinalaga ni CJ Gesmundo

OIC sa Office of the Court Administrator itinalaga ni CJ Gesmundo

Nagtalaga si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ng officer-in-charge sa Office of the Court Administrator.

Ito ay makaraang hirangin ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Court Administrator Jose Midas Marquez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Sa inilabas na memorandum order ni Gesmundo, si Deputy Court Administrator Raul Villanueva ang magsisilbing OIC sa OCA.

Ito ay hangga’t wala pang naitatalagang regular na Court Administrator sa SC. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *