DOH nakapagtala lamang ng 1,190 na bagong kaso ng COVID-19

DOH nakapagtala lamang ng 1,190 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala lamang ng 1,190 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Nov. 17 ay 2,820,494 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,750,531 ang gumaling o katumbas ng 97.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2,759 na gumaling.

23,846 naman ang active cases o katumbas ng 0.8 percent.

Nasa 46,117 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.64 percent makaraang makapagtala ng 309 pang pumanaw.

Ayon sa DOH, sa 309 na na nadagdag sa bilang ng mga pumanaw, 18 lamang ang para sa buwan ng Nobyembre.

Ang 61 percent ng reported deaths ngayong araw ay nangyari noong October 2021.

Ito ay bunsod ng late encoding ng ng death information sa COVIDKaya. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *