Ginang ligtas na nairaos ang panganganak habang lulan ng eroplano sa tulong ng mga crew ng PAL

Ginang ligtas na nairaos ang panganganak habang lulan ng eroplano sa tulong ng mga crew ng PAL

Nanganak habang nasa himpapawid ang isang ginang lulan ng flight ng Philippine Airlines (PAL) mula Doha, Qatar pauwi ng Pilipinas.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, dalawang oras at kalahati bago lumapag ang eroplano sa Manila ay napaanak ang pasaherong si Teresa May Buiza.

Nagtulung-tulong ang cabin crew team ng PAL na binubuo nina FA Merian Buan Ventura, FS Philip King Aguilar, FS Marc Anthony Cue, FS Clinton Ros, FA Ann Claire Reboron at FA Scarlett Mercado para sa ligtas na panganganak ni Buiza.

Sina Ventura at Aguilar ay kapwa registered nurse.

Pinangalanan ang sanggol na “Scarlett Ann” na hinango sa pangalan ng dalawa sa mga flight attendant. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *