Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA
Dalawang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Sa inilabas na weather forecast ng PAGASA, ang isang LPA ay huling namataan sa layong 160 kolometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Samantala, ang isa pang LPA ay huli namang namataan sa layong 135 kilometers West Northwest ng Dagupan City, Pangasinan.
Dahil sa LPA ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.
Ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at nalalabing bahagi ng CALABARZON ay makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa habagat.
Sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan. (END)