Kalamansig, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Kalamansig, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 66 kilometers Southwest ng bayan ng Kalamansig.

Naganap ang pagyanig alas 3:22 ng hapon ng Linggo, August 16.

Ayon sa Phivolcs may lalim na 586 kilometers ang lindol.

Dahil may kalaliman, wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (END)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *