Burauen, Leyte niyanig ng M3.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Leyte.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 6 kilometers northwest ng bayan ng Burauen alas 12:22 ng tanghali ngayong Martes, August 4.
Ayon sa Phivolcs may lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Instrumental Intensity sa Ormoc City.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang pagyanig.