Kai Sotto kumpirmadong maglalaro sa National Basketball League
Kinumpirma ng National Basketball League ng Australia na maglalaro sa liga ang Pinoy na si Kai Sotto.
Lumagda na si Sotto ng two seasons contract at siya ay maglalaro sa Adelaide 36ers sa ilalim ng Special Restricted Player rule provision ng NBL.
Magsisimulang maglaro si Sotto sa NBL season ngayong taon.
Ang 7-foot-2 na si Sotto ang magiging kauna-unahang Pinoy na makapaglalaro sa NBL.
Kinilala ni Adelaide 36ers General Manager of Basketball Jeff Van Groningen ang kombinasyon ng height at developing skills ni Sotto.
Sa kaniyang Instagram, sinabi ni Sotto na “grateful” at “blessed” siya na maipagpatuloy ang kaniyang basketball journey sa Australia.