Tatlong construction workers patay matapos ma-trap sa gumuhong gusali sa Maynila
(UPDATE) Tatlo ang kumpirmadong nasawi matapos ma-trap sa gumuhong bahagi ng isang lumang gusali sa Ermita, Maynila.
Sabado (Mar. 20) ng gabi nang mailigtas ng mga Emergency Responders ang dalawa sa mga na-trap na biktima.
Subalit araw ng Linggo (Mar. 21) ay nakuha ang wala nang buhay na katawan ng tatlo pang biktima.
Ang mga biktima ay pawang mga contruction worker.
Ang naturang gusali luma na at ginigiba ng mga construction worker nang mangyari ang insidente.