Bakuna kontra COVID-19 mas maagang darating sa bansa – Roque
Posibleng mas mapaaga ang dating sa bansa ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa kaniyang virtual briefing sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa niya masasabi sa ngayon kung kailan ang eksaktong petsa ng dating ng bakuna pero maari aniyang mas mapaaga.
Sinabi rin ni Roque na hindi nahuhuli ang bansa pagdating sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Katunayan aniya sa mga karatig bansa sa Southeast Asia, tanging ang Singapore pa lang ang nakapagsimula ng pagbabakuna.
Ang iba pa pang mga bansa sa Southeast Asia ay sa unang quarter ng 2021 mag-uumpisa gaya ng Pilipinas.
Sadya aniyang naunang mag-roll out ng bakuna ang mayayamang bansa gaya ng Russia at US dahil gumastos sila upang makapag-develop ng bakuna kontra COVID-19. (D. Cargullo)