Mga residenteng apektado ng sunog sa landfill sa Montalban hinatiran ng relief goods
Namahagi ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng sunog sa landfill sa bayan ng Montalban sa Rizal.
Personal ding binisita ni Montalban Mayor Ronnie Evangelista ang mga residente sa Upperland, Sitio Maislap sa Brgy. San Isidro.
Maliban sa pagkain, namigay din ng mga gamot.
Paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente, magsuot ng facemask lalo na sa mga lugar na apektado ng usok dahil sa sunog sa landfill.
Ito ay dahil sa mapanganib sa kalusugan kung makalalanghap ng sunog.
Dahil sa nasabing sunog, suspendido ang face-to-face classes ngayong araw, Mar. 5 sa tatlong mga barangay sa Montalban.
Ito ay ang Barangay San Isidro, San Jose at Macabud. (DDC)