Comelec EID Dir. James Jimenez at Asst. Dir. Frances Arabe pinatatanggal muna sa puwesto
Pinatatanggal muna sa puwesto sa Education and Information Department ng Commission on Elections sina Dir. James Jimenez at Asst. Dir. Frances Arabe.
Rekomendasyon ito ni Comelec Commissioner Rey Bulay kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa “Pilipinas Debates 2022”
fiasco.
Batay sa rekomendasyon ni Bulay, pinatatanggal muna sina Jimenez at Arabe sa anumang katungkulan na may kinalaman sa media relations at exposure.
Inirekomenda din ni Bulay na magtalaga ng pansamantalang papalit kina Jimenez at Arabe sa puwesto nila sa EID.
Ang rekomendasyon ay isinumite ni Bulay kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.
Maari naman aniyang magtuloy ang ibang katungkulan ng dalawang opisyal sa Comelec.
Binuno ang Task Force Pilipinas Debates 2022 fiasco makaraang hindi matuloy ang huling bahagi ng presidential at vice presidential debates na inorganisa ng Comelec dahil sa isyu ng bayarin sa event venue. (DDC)