Bagong strain ng coronavirus na nadisukbre sa Pilipinas, wala pang “solid evidence” na maaring makahawa – DOH

Bagong strain ng coronavirus na nadisukbre sa Pilipinas, wala pang “solid evidence” na maaring makahawa – DOH

Wala pang “solid evidence” na ang bagong strain ng coronavirus na natagpuan sa Pilipinas ay mas “transmissible” at mas “infectious” o nakakahawa.

Ito ang naging pahayag ni Health Usec. At Spokesperson Ma. Rosario Vergeire nang matanong hinggil sa bagong strain na nadiskubre ng Philippine Genome Center o PGC.

Ayon kay Vergeire, batay sa pag-aaral ng PGC ay may nakita silang bagong strain, ang G614. Base pa sa pag-aaral, nag-mutate na raw ang strain mula sa D614.

Pero ani Vergeire, kailangang maintindihan ng publiko na ang naturang pag-aaral ng PGC ay naka-centralize o naka-tutok pa lamang sa Quezon City.

Hindi ibig sabihin nito ay representative sample ito para sa buong bansa.

Patuloy naman aniya ang pag-aaral ng PGC at malalaman sa mga darating na araw o buwan kung ano pa ang mapapakita ng pag-aaral ng PGC.

Dagdag ni Vergeire na dahil wala pang solidong ebidensya na mas transmissible at mas mabilis na nakakahawa sa iba ang strain, hindi pa tiyak na mangyayari rito.

Kaya ngayon, sinabi ni Vergeire na ang PGC ay binigyan na ng otorisasyon ng DOH na ituloy ang pag-aaral dito at kumuha pa ng dagdag na mga impormasyon.

Paalala naman ni Vergeire, kahit anupang strain ng coronavirus na lumutang sa Pilipinas ay kailangang huwag kalimutan ng publiko ang mahigpit na pagpapairal ng minimum health standards para malaban ang coronvirus.

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *