P5.024T na 2022 national budget nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P5.024 trilyong 2022 national budget umaga ng Huwebes, Dec, 30.
Ang nasabing budget ay mas mataas ng 11.5% kumpara sa budget ng pamahalaan noong 2021.
Ito na rin ang pinakamataas na halaga ng budget sa kasaysayan.
Kasamang pinaglaanan ng pondo ang pagtugon sa pandemya ng COVID-19 at ang naglaan din ng natitirang P6 billion pondo para sa mga rehiyong naapektuhan ng Typhoon Odette.
May inilaan din na P50 billion para sa special risk allowance ng medical frontliners at nasa P48 billion para sa booster shots.
Ang seremonya sa paglada ng pambansang pondo ay sinaksihan ng mga senador at mga kongresista at mga miyembro ng gabinete. (DDC)