Nesthy Petecio wagi ng silver medal sa Olympics
Wagi ng silver medal sa Olympics ang Pinay boxer na si Nesthy Petecio.
Si Petecio ay nakapagtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipina boxer na nakapag-uwi ng medalya mula sa Olympic Game.
Ang pambato ng Japan na si Sena Irie ang nagwagi ng gintong medalya sa women’s featherweight final.
Inialay naman ng 29 anyos na si Petecio ang kaniyang tagumpay sa kaniiyang pamilya, sa bansa at sa kaniyang matalik na kaibigan na pumanaw.