Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,900; dagdag na 105 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,900 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, July 11 ay 1,473,025 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,916 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,397,403 ang gumaling o katumbas ng 94.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,127 na gumaling.
49,701 naman ang active cases o katumbas ng 3.4 percent.
25,921 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.76 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 105 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)