Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 83 pa
Nadagdagan ng 83 pa ang kaso ng COVID-19 sa Maynila.
Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Linggo – July 11, ay 1,162 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot na sa 66,890 ang total confirmed COVID-19 cases.
Habang 64,500 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 70 recoveries.
Nakapagtala naman ng 1 pang nasawi kaya 1,228 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19.
Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Sampaloc na umabot sa 250 cases. (Dona Dominguez-Cargullo)