LOOK: Bagong diskubreng halaman sa Lanao Del Sur pinangalanang Begonia Bangsamoro

LOOK: Bagong diskubreng halaman sa Lanao Del Sur pinangalanang Begonia Bangsamoro

Mayroong nadiskubreng bagong halaman sa Wao, Lanao del Sur.

Sa website ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang halaman ay pinangalanang Begonia Bangsamoro.

Batay sa ulat ng scientific journal on systematic botany na “Phytotaxa” ang halaman ay nadiskubre ng grupo ng anim na researchers na sina Dave P. Buenavista, Yu Pin Ang, Mc Andrew K. Pranada, Daryl S. Salas, Eefke Mollee, at Morag Mcdonald.

Sa social media account ni Pranada, inanunsyo nito ang pagkakadiskubre ng bagong Philippine plant species.

Ayon kay Pranada, ang Begonia Bangsamoro ang naging 2,002nd species ng world’s sixth-largest platn genus.

Nabuhay ang Begonia Bangsamoro sa kagubatan at riverbanks ng Ginapukan river sa Sitio Trese, Barangay Banga, Lanao del Sur.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *