Coast Guard naglatag ng spill boom sa baybayin ng Malimono, Surigao del Norte
Nilagyan na ng spill boom ang baybayin sa Barangay Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte kung saan sumadsad ang isang barko na may kargang mga diesel.
Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Malimono MDRRMO at lokal na pamahalaan para mailatag ang spill boom.
Ang LCT Cebu Great Ocean ay sumadsad sa baybayin ng Barangay Cantapoy noong April 19.
Ito ay may kargang mga nickel ore at 2,000 litro ng diesel.
Apat na crew ang nasawi sa nasabing insidente, 7 ang nakaligtas habang 9 pa ang nawawala.
Nag-deploy na ng drone ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Surigao del Norte deployed para sa isinasagawang search and rescue operations.
Habang ang may-ari ng LCT Cebu Great Ocean ay nag-deploy ng private plane para magsagawa ng aerial survey.