DOH nakapagtala ng mahigit 8,000 na bagong kaso ng COVID-19 cases; 137 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 8,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health araw ng Martes, April 13, 884,783 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,571 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 703,963 ang gumaling o katumbas ng 79.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 400 na gumaling.
165,534 naman ang active cases o katumbas ng 18.7 percent.
15,286 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.73 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 137 pang pumanaw.