DSWD may nakahandang 4.5M Family Food Packs sakaling manalasa ang bagyong Champi
Pinaghahandaan na ng Department of Social Welfare and Development ang posibleng maging epekto sa bansa ng Super Typhoon Champi na ngayon ay binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay Asst. Secretary Irene Dumlao ng DSWD – Disaster Response Management Group (DRMG) patuloy ang paghahanda ng relief stockpiles ng ahensya at tuloy-tuloy din ang operasyon ng disaster resource centers.
Sinabi ni Dumlao na batay sa datos mayroong prepositioned relief inventories sa buong bans ana aabot sa mahigit 4.5 million family food packs, mahigit 344 thousand na non-food items at mahigit 204 thousand na ready-to-eat-food packs.
Patuloy din ang pag-monitor ng DSWD sa weather updates mula sa PAGASA at batay sa huling pagtaya ay maaaring maapektuhan ng bagyo ang northern Luzon, Cagayan Valley, at northern portion ng Ilocos Region. (DDC)
