P2,000 buwanang allowance para sa PWDs isinusulong sa senado
Inihain ni Senator Bam Aquino ang panukalang batas sa senado na layong mabigyan ng P2,000 na buwanang allowance ang mga ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ ๐๐ถ๐๐ต ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ o ๐ฃ๐ช๐๐.
Itoay upang makatulong sa mga dagdag na gastusin sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Sa ilalim ng Senate Bill Number 2386 o National Disability Support Act, ag mga kwalipikadong PWD ay makatatanggap ng P2,000 na buwanang allowance na maaari ring regular na i-adjust batay sa inflation.
Magkakaroon din ng Disability and Needs Assessment System na titingin sa functional limitations, pangangailangan sa suporta, at mga hadlang na kinakaharap ng bawat PWD.
Layunin nitong mabigyan sila ng dagdag na suporta upang mamuhay nang mas independent at mas aktibong makilahok sa kanilang komunidad. (DDC)
