5 milyong Filipino mababakunahan kontra COVID-19 hanggang Hunyo
Target ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang aabot sa limang milyong Filipino pagdating ng buwan ng Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas pinaaga ng gobyerno ang pagroll out sa bakuna dahil sa Pebrero ay mayroon nang darating na COVID-19 vaccine bago pa dumating ang Pfizer.
Tinatayang nasa 50,000 COVID-19 vaccines mula sa Sinovac Biotech ang darating sa bansa sa Pebrero.
Una nang sinabi ni Roque na tiyak nang makakakuha ng 25 million doses ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas mula sa Sinovac. (D. Cargullo)