Sinovac naghain na ng aplikasyon para sa EUA ng kanilang COVID-19 vaccine

Sinovac naghain na ng aplikasyon para sa EUA ng kanilang COVID-19 vaccine

Kahapon pormal nang nagsumite ng aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA) para sa emergency use authorization ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kahapon ng tanghali isinumite ang aplikasyon ng Sinovac at sumasailalim na ito sa pre-assessment ng ahensya.

Sinabi ni Domingo na ang Clinical Trial Phase 1 and 2 pa lamang ang naisusumite ng Sinovac sa FDA.

Dahil dito, hihilingin aniya ng FDA sa Sinovac na isumite din ang report nito sa isinagawang Clinical Trial Phase 3 para sa kanilang bakuna.

Una nang inanunsyo ni Domingo na inaprubahan na ng FDA ang EUA ng Pfizer BioNTech.

Maliban sa Sinovac, nakabinbin pa ang aplikasyon para sa EUA ng AstraZeneca at Gamaleya-Sputnik V. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *