487,200 doses ng AstraZeneca vaccines dadating sa bansa bukas (Mar. 4)
Darating na sa bansa ang 487,200 doses ng COVID-19 vaccines ng AstraZeneca.
Ayon kay Senator Bong Go, alas 7:30 ng gabi bukas, March 3 darating ang mga bakuna.
Sinabi ni Go na sasalubungin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bakuna mula po sa COVAX facility.
Karagdagan ito sa 600,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac ng China.
“Good news po yan para sa ating mga frontliners dahil mayroon na silang pagpipilian — yung mula po sa Sinovac at ngayon po mayroon na tayong Astra Zeneca,” ayon kay Go.
Umaasa ang senador na sa tuluy-tuloy na pagro-rollout ng pagbabakuna ay maging kumpyansa na ang mamamayan na ang tanging solusyon at ang tanging susi ay ang bakuna para unti-unti nang makabalik sa normal na pamumuhay.