Reklamo ng 2 ginang na bisita sa Bilibid, pinaiimbestigahan ni Catapang

Reklamo ng 2 ginang na bisita sa Bilibid, pinaiimbestigahan ni Catapang

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang imbestigasyon sa napaulat na inihaing reklamo ng dalawang ginang na asawa ng political prisoners matapos sumailalim sa strip search nang bumisita sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Handa ang BuCor na mag-imbestiga sa nasabing reklamo upang malinawan ang posisyon ng ahensiya kaugnay sa bisitasyon o pagdalaw ng persons deprived of liberty (PDLs), ayon kay Catapang na kasalukuyang nasa Malaysia para sa summit.

Paliwanag ni Catapang ang strip search ay istriktong ipinapatupad sa lahat ng operating prison and penal farm ng ahensiya kasunod ng pagdami ng bilang ng bisita na nagtangkang magpuslit ng mga kontrabando na inilalagay sa kanilang pribadong bahagi o maselang parte ng katawan.

Sa report ni CCINSP Roger Boncales, Acting Superintendent ng NBP kay Catapang ibinunyag nito na ang strip search sa lahat ng bisita ng PDLs ay marapat na ipatupad kung saan napatunayang hindi epektibo ang random search at frisk search.

“Dumarami yung gustong magpasok ng kontrabando at kung saan saang parte ng katawan nila itinatago, kaya dapat po mas maging mahigpit pa tayo,” ani Boncales.

Mula October 2023 hanggang March 8, 2024, nasa 30 PDL visitors ang nahuling nagpuslit ng mga kontrabando tulad ng ilegal na droga at sigarilyo na itinago sa kanilang private parts at iba naman ay isinilid o itinahi pa sa underwear.

Ipinapatupad ang strip search upang suriin ang bisita para sa kontrabando na hinihinalang nakatago sa kanilang katawan at damit na karaniwang nadidiskubre ng performing frisk search.

Ayon pa sa paliwanag ni Boncales na sa ilalim ng Bucor Operating Manual on visitor control, ang lahat ng dalaw o bisita ay sasailalim ng mabusising body search at suriin ang kanilang personal na gamit/packages para sa kontrabando bago sila pumasok sa security camp at ang nga babaeng bisita naman ay susuriin lamang ng female corrections officers sa pribadong bahagi ng katawan na may permiso ng kinauukulang bisita.

Inihayag ni Boncales na bilang NBP Acting Superintendent aniya ay tungkulin niyang siguruhin anv kaayusan ng pagbisita at nasusunod ang visitation procedures.

“We have to be strict, without fear or favor in the implementation of strip search, otherwise we will negate in our responsibility of protecting our PDLs and if we exempt an individual, we might be accused of giving VIP treatment,” sabi ni Catapang.

“This is the reason why last year we appealed to Congress for additional budget to be able for us to buy full body scanner machines just like those being used in our airports. With this, it can detect objects even those inside a person’s body for security screening purposes, without physically removing the person clothes or making any physical contact,” dugtong pa ng BuCor chief.

“Medyo may kamahalan yung machine, but it is needed to ensure security in prison facilities. The machine cost about between P20 to P25 million each and initially the BuCor needs at least five,” ani Catapang.

Nagpahayag ng buong suporta ang BuCor para sa pagpasa sa ikatlo at pinal na pagbasa sa House Bill (HB) No. 9153, o “Contraband Detection and Control System Act,” na layuning mapigilan ang pagkalat ng kontrabando sa mga prison facilities.

Ang nasabing bill ay sa akda ni Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs,para sa pagtatayo at implementasyon ng Contraband Detection and Control System (CDCS) sa pamamagitan ng mga modernong teknolohiya sa correctional, custodial, o detention facilities sa bansa.

Samantala, ngayong araw, May 7 nagsagawa ng demonstrasyon ng inspection protocol sa NBP. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *