OWWA officials bumisita sa pamilya ng nasawing OFW sa Pampanga

OWWA officials bumisita sa pamilya ng nasawing OFW sa Pampanga

Personal na bumisita si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio kasama sina Deputy Administrator Emma V. Sinclair at OWWA Region 3 Director Ma. Lourdes Reyes sa pamilya ni overseas Filipino worker (OFW) Jenny Gamboa, sa Pampanga, madaling-araw ng May 7.

Si OFW Jenny Gamboa ay isa sa tatlong OFWs na nasawi dahil sa matinding pagbaha sa United Arab Emirates (UAE) noong Abril 17.

Nagpaabot ng pakikiramay si Admin Ignacio kasama ang kanyang delegasyon, sa pamilya ng nasabing OFW upang personal na magbigay ng konsolasyon at suporta sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Si OFW Gamboa ay isa lamang sa mga biktima ng trahedyang ito, at ang pagkawala niya ay nagdulot ng pagdadalamhati hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa buong komunidad ng OFWs.

Muli, nagpapaabot ng pakikiramay ang buong pamunuan ng OWWA kay OFW Gamboa at sa kanyang pamilya sa panahong ito ng kanilang kalungkutan at pagdadalamhati. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *